Showing posts with label johnny manahan. Show all posts
Showing posts with label johnny manahan. Show all posts

Saturday, January 23, 2021

Johnny Manahan reaction on ASAP replacing SNL on TV5

Johnny Manahan reaction on ASAP replacing SNL on TV5


Watch here
Kinemaster made videos by Rdm Designs
Canva made thumbnail by Rdm Designs


Congratulations!"
Yan nga ang nasabi Johnny Manahan matapos makumpira na ans ASAP ang papalit sa timslot dati ng  SNL sa TV5.
Nice move, isa din yan sa nasabi  nga nya.
Sinabi di nya na ang Sunday Noontime Live or SNL, ang main hosts naman ay sina Maja Salvador at Piolo Pascual, mas nagkaroon pa daw sana ng chance na makapantay ang rival shows kung mas nabigyan pa sana sila ng pagkakataon at lalong lalo na mas pinatagal pa sana silang umere.

Ito ang mga naging reaction ni Johnny Manahan sa kasunduan na ito ng ABS-CBN at TV5 na ipalit ang ASAP Natin To sa timeslot na iniwan ng kinanselang Sunday Noontime Live (SNL) sa TV5.


Ang ASAP ang longest-running musical variety show ng ABS-CBN na idinirek din mismo ni Mr. M sa for almost 25 years, and that was since 1995 until he left ABS-CBN last September 2020.

Ang SNL ay si Mr. M din ang naging director na isa ding musical-variety show ng Brightlight Productions. Unfortunately umere lamanag ito sa TV5 for 3 months, and that was from October 18, 2020 to January 17, 2021 only.

What do you think on his reactions? Is he just shocked or his words about this is with sarcasm?

He also said that he was not happy with what Brightlight Productions do with them. Brighlight is the producer of SNL and also the blocktimer in TV5.

Mr. M directly said that he felt betrayed by Albee Benitez, the owner of Brightlight Productions, sa biglaang pagkansela nito ng SNL.

"Parang kami lahat, we felt that way," sagot ni Mr. M sa tanong na mayroon ba siyang naramdamang betrayal sa pagbitiw ng prodyuser sa kabubuo lamang na Sunday variety show.

Noong una raw kasing inalok sa kanya ang proyekto, siniguro sa kanya ni Albee Benitez na tatakbo ang show nang anim na buwan o dalawang season. (Ang isang season ay may tatlong buwan.)

Hanggang sa tinalikuran na lamang daw ni Albee ang kanilang usapan, at noong Enero 17 ay replay episode na lang ng SNL ang inere sa TV5.

Dagdag ni Mr. M, hindi man lang binigyan ng pagkakataong pormal na makapagpaalam ang cast at staff ng SNL sa publiko.

Umapela naman siya sa TV5 na bigyan ang SNL ng final episode "para makapag-goodbye lang."

Pero sabi raw ng Kapatid management kay Mr. M, “Sorry, ha. Naibigay na namin sa iba.”


Nalaman na lang daw ni Mr. M na ang tinutukoy na "iba" ay walang iba kundi ang ASAP Natin 'To.

May halong dismaya si Mr. M sa narinig, dahil noong una'y nagsabi pa raw si Manny V. Pangilinan (MVP), ang business tycoon na nagpapalakad ng TV5, na talagang gusto nila si Piolo para sa Kapatid network.

“That’s what they told Piolo also," ani Mr. M. "Kasi si Piolo, siyempre nagi-inquire rin siya and kausap din niya si MVP.

“Sabi ni MVP, ‘You know, kapag ayaw na ni Albee, sasaluhin namin yung show, because we like you here in Channel 5.”

Pero noong Enero 21, pormal nang inanunsiyo ng Kapamilya channel na blocktimer na ang ASAP Natin 'To sa TV5 simula Enero 24.

Matapos ng anunsiyong ito, nagpahayag naman si Robert Galang, presidente at CEO ng TV5 at Cignal: “This collaboration between Cignal, TV5, Brightlight Productions, and ABS-CBN marks the start of greater cooperation among our various industry players and begins a new era of partnership.”

Canva made thumbnail by Rdm Designs

News source and for full details pls. click the link of pep.ph.




Follow me on Facebook at Solid Kapamilya News and Updates and Rdm Designs on YouTube


Asap Natin To 1997 to 2021 Logo |Asap Natin To | Logo Before and Up to Present | AbsCbn Show

  Asap Natin To 1997 to 2021 Logo |Asap Natin To | Logo Before and Up to Present | AbsCbn Show Watch Here: #AsapNatinTo 1997 to 2021 Logo |...